Unang grupo ng mga sibilyan mula China, pinayagang makapamasyal sa itinayong artificial island
Sa kabila ng protesta mula sa Pilipinas at iba pang bansang claimants sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, tuloy-tuloy naman ang aktibidad ng China sa itinayo nitong artificial island sa South China Sea o West Philippine Sea.
Sa ulat ng Hong Kong Free Press, noong Biyernes ay lumapag sa man-made island sa Fiery Cross Reef ang Hainan Airlines sakay ang mga sibiliyang bisita.
Ang nasabing mga turista ay pamilya ng mga sundalo ng China na nakatalaga sa isla.
May mga larawan pa na mula sa ‘Sina News’ na nagpapakita ng paglapag ng eroplano at pagbaba ng mga turista kabilang ang mga bata.
Magugunitang umani ng batikos mula sa Pilipinas at Vietnam ang ginawang test flight ng China sa mga civilian planes nito sa nasabing isla.
Ang artificial island ng China ay itinayo sa Spratlys na bahagi ng teritoryong pinag-aagawan ng China, Taiwan, Malaysia, Vietnam, Pilipinas at Brunei.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.