M3.8 na lindol yumanig sa Negros Oriental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Negros Oriental ala-1:21 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong siyam na kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Luzurriaga (dating Valencia).

May lalim itong apat na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Sibulan, Negros Oriental.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...