PNP: Robredo hindi na dapat manghimasok sa law enforcement matters ng drug war
Nais ng Philippine National Police (PNP) na hindi panghimasukan ni Vice President Leni Robredo ang mga bagay sa giyera kontra droga na may kinalaman sa law enforcement.
Sa kabila ito ng pagiging co-chairman ng bise presidente sa Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa dapat ipaubaya na lang ni Robredo ang law enforcement ng drug war sa pulisya at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Giit ni Gamboa, hindi naman sinasabing huwag nang pakialaman ni Robredo ang sistema sa pagsugpo sa droga ngunit dapat ay ituon na lamang ang pokus sa pagtaguyod sa justice, advocacy at rehabilitation clusters ng ICAD.
“‘Pag sinabi mong ‘wag mangialam it’s just like also slapping the President on what he did. So bigyan natin siya ng, bigyan natin si Vice President Robredo ng chance but we suggest, we strongly suggest even on our committees, that she would concentrate on advocacy and rehabilitation,” ani Gamboa.
Dagdag pa ng PNP official, maaari pa rin namang magbigay ng suhestyon ang bise presidente sa law enforcement agencies sa pagpapatupad ng anti-drug policies.
Samantala, sa isang pahayag, iginiit ni Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, na ang assignment na ibinigay sa bise presidente ay sakop ang lahat ng polisiya kontra droga at hindi lamang ang rehabilitasyon.
“General Gamboa should just remember that the President designated the VP to lead all government efforts against illegal drugs, not simply all government efforts on rehabilitation. He should further be reminded that it is far better to communicate these ideas directly to the VP instead of announcing them to media,” ani Gutierrez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.