Mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas, kailangan nang magsumite ng CNO – DOLE

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 05:54 PM

Oobligahin na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas na kumuha ng Certificate of No Objection (CNO).

Batay sa inilabas na Department Order no. 205 ni Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng CNO na patunayang walang tumututol sa interes ng dayuhan na makapagtrabaho sa Pilipinas.

Kailangang magsumite ng ilang dokumento ng mga dayuhang aplikante sa mga DOLE Regional Office na may hurisdiksyon sa lugar kung saan magtatrabaho.

Narito ang listahan ng mga requirement:
– letter request mula sa foreign enterprise/entity o project implementer
– photocopy ng passport bio page
– entry visa/latest admission with valid authorized stay
– certified true copy ng notarized contract of employment sa pagitan ng dayuhan at enterprise/entity

Ayon sa kagawaran, ang DOLE Regional Office ang magdedesisyon kung aaprubahan o hindi ang pagbibigay ng CNO sa dayuhang aplikante sa loob ng tatlong araw matapos ang evaluation process ng kumpletong documentary requirements.

TAGS: Certificate of No Objection, DOLE, foreign worker, Certificate of No Objection, DOLE, foreign worker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.