PAGASA, nilinaw na walang binabantayang super typhoon sa bansa

Nilinaw ng PAGASA sa publiko na walang binabantayang super typhoon sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga kumakalat na ulat sa social media na mayroon umanong tatamang malakas na bagyo sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, wala silang namomonitor na malakas na bagyo na maaaring tumama sa anumang bahagi ng Pilipinas.

Paalala ng PAGASA, huwag magkalat o mag-share ng mga hindi beripikadong impormasyon sa social media na posibleng magdulot ng takot at pangamba sa publiko.

Iwasan din anila ang pagkakalat ng mga impormasyon na hindi PAGASA ang naglabas.

Read more...