11 sakay ng tumaob na bangka sa Siquijor, nasagip ng PCG

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 04:53 PM

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 pasahero at crew ng tumaob na bangka sa San Juan, Siquijor araw ng Sabado.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tumaob ang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Cangmunag dahil sa malakas na alon bunsod ng nararanasang masamang panahon.

Nasa apat ang pasahero ng bangka habang pito naman ang crew members.

Lulan din ng bangka ang walong drum ng diesel at 22 walang laman na fuel drum. Maayos namang narekober ng PCG ang mga drum ng diesel.

Nagmula ang bangka sa Dipolog City at patungo sana sa Masbate.

Matapos ang ikinasang search and rescue operation, nagsagawa rin ang PCG ng tulong-medikal sa mga biktima.

Patuloy namang tinututukan ng PCG ang tumaob na bangka para makuha at maiwasan ang oil spill.

TAGS: diesel, PCG, san Juan, Siquijor, diesel, PCG, san Juan, Siquijor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.