World Day of Remembrance for Road Traffic Victims, ginugunita ngayong araw (Nov. 17)

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 03:38 PM

Ginugunita ng Department of Transportation (DOTr) ang World Day of Remembrance for Road Traffic Victims sa araw ng Linggo, November 17.

Sa inilabas na pahayag, inihayag ng kagawaran ang pakikiisa, katuwang ang iba pang ahensya sa buong mundo, sa paggawa ng hakbang para mabawasan ang mga naitatalang aksidente sa mga kalsada.

Nakikiisa rin ang DOTr sa pagbuo ng oportunidad para magkaroon ng kamalayan sa emotional at economic devastation na idinudulot ng mga aksidente sa kalsada, lalo na sa mga nagluluksang pamilya ng mga biktima ng aksidente.

Kasunod nito, nangako ang DOTr sa pagbuo ng inisyatibo upang mabawasan ang mga aksideente at mapagiting ang kamalayan sa road safety.

Gunigunita ang World Day of Remembrance for Road Traffic Victims kada ikatlong linggo ng buwan ng Nobyembre kada taon.

TAGS: dotr, road accident, road safety, World Day of Remembrance for Road Traffic Victims, dotr, road accident, road safety, World Day of Remembrance for Road Traffic Victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.