Mayor Moreno, pinuntahan ang drayber ng kotseng kumaladkad sa isang traffic enforcer

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 01:00 PM

Screen grab from Mayor Isko Moreno Domagoso’s Facebook live video

Pinuntahan ni Mayor Isko Moreno ang drayber ng kotseng kumaladkad sa isang traffic enforcer sa Maynila.

Sa Facebook video ng alkalde, personal na kinausap ni Moreno sa kulungan ang drayber ng kulay gray na Mitsubishi Xpander na si Orlando Ricardo Jr.

Sinabi ng alkalde na nais niyang makita si Ricardo para sabihin na hindi siya welcome sa Lungsod ng Maynila.

Aniya, batay sa kuha ng CCTV footaget, makikitang mayroong criminal mind si Ricardo para patayin o saktan para makatakas kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer Adrian Lim.

Naawa aniya siya sa sinapit ng Lim para makaligtas sa insidente.

Hinangaan din nito ang ipinakitang dedikasyon sa trabaho ni Lim sa kabila ng maliit na sweldo bilang traffic enforcer.

Kasunod nito, nagpaalala si Moreno sa mga motorista na huwag tularan si Ricardo.

Tunay aniyang nakakainit ng ulo ang mabigat na daloy ng trapiko sa Maynila at iba pang parte ng Metro Manila kasabay ng Christman season ngunit hindi aniya ito sapat na dahilan para gawin ito.

Si Ricardo ay nahaharap sa kasong reckless driving at serious physical injury.

TAGS: Adrian Lim, Mayor Isko Moreno, metro, MTPB, Orlando Ricardo Jr., reckless driving, serious physical injury, Adrian Lim, Mayor Isko Moreno, metro, MTPB, Orlando Ricardo Jr., reckless driving, serious physical injury

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.