Mariel Rodriguez, isinilang na ang kanilang second baby ni Robin Padilla

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 01:56 PM

Isinilang na ng television host na si Mariel Rodriguez ang kanilang second baby ng aktor na si Robin Padilla.

Gamit ang Instagram account, nag-post si Robin ng larawan para ibahagi ang magandang balita.

Ayon kay Robin, isinilang ang kanilang second baby na si Maria Gabriela de Padilla sa Amerika.

Aniya pa, natupad ng kaniyang asawa ang pangarap nito na isilang si Gabriela sa pamamagitan ng natural birth.

Binantayan aniya si Mariel ng pamilya nito sa Amerika lalo na ng kaniyang ama.

Nagpasalamat naman si Robin para sa maayos na panganganak ni Mariel.

TAGS: Maria Gabriela de Padilla, Mariel Rodriguez, robin padilla, second baby, Maria Gabriela de Padilla, Mariel Rodriguez, robin padilla, second baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.