Pahayag ni Pangulong Duterte na masama ang lagay ng kaniyang kalusugan dahil sa katandaan, minaliit ng Palasyo

By Chona Yu November 17, 2019 - 12:04 PM

Minaliit lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na masama na ang lagay ng kaniyang kalusugan dahil sa katandaan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kung dati rati ay inilalarawan niya na in pink condition ang kalusugan ng pangulo, ngayon ay in green of health condition ang pangulo.

“Kung sasabihin mong normal, hindi siya normal kasi nga madami na ngang nararamdaman. Kung sinabi ko noon na he was in the pink of health, ngayon, I think, he is in the green of health,” ani Panelo.

Ibig-sabihin, ayon kay Panelo, hindi normal ang lagay ng kalusugan ng pangulo dahil marami na siyang karamdaman.

Sinabi pa ni Panelo na kung ano ang karaniwang sakit ng matatanda ay nararanasan din ito ngayon ng pangulo.

Pero ayon kay Panelo, kahit na maraming sakit na ang pangulo, hindi pa rin nababago at puno pa rin ang schedule ng pangulo.

Hindi lang aniya nakasu-survive ang pangulo sa mabigat na trabaho kundi nagagampanan pa ito nang maayos at epektibo.

“Kung ano ‘yung sakit ng mga matatanda sa edad niya, ordinarily, he has that. But if you will notice, kahit na ganyan siya may mga nararamdaman, ang kaniyang schedule ganun pa rin, hindi naman nababago. Not only that he’s survived, bet he also does it well. Trabaho pa rin,” pahayag ni Panelo.

Si Pangulong Duterte ang pinakamatandang elected president sa bansa sa edad na 74.

Una nang inamin ng pangulo na hindi maganda ang lagay ng kaniyang kalusugan at marami na siyang sakit na nararamdaman.

TAGS: kalusugan, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, kalusugan, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.