Bagyong #RamonPH, mabagal pa rin ang pagkilos

PAGASA photo

Mabagal pa rin ang pagkilos ng Tropical Storm “Ramon,” ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers Silangang bahagi ng Casiguran, Aurora bandang 10:00 ng umaga.

Napanatili ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Cagayan kabilang ang Babuyan Island
– Isabela
– northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)

Dahil dito, sinabi ng PAGASA na asahang patuloy na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay kalat-kalat na pag-ulan sa eastern portion ng Cagayan at Isabela.

Mapanganib din pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.

Samantala, isa pang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 2,420 kilometers Silangang bahagi ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok ng bansa ang LPA sa Martes, November 19.

Read more...