Ethel Booba, anim na buwan nang buntis

By Angellic Jordan November 16, 2019 - 05:51 PM

PHOTO CREDIT: @ethelbooba/INSTAGRAM

Inanunsiyo ng singer-comedian na ni Ethel Booba ang kaniyang pagbubuntis.

Sa isang segment ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime,” naging emosyonal si Ethel nang ibahagi ang pagbubuntis.

Aniya, mayroong double celebration para sa kaniya dahil maliban sa pagiging “Tawag ng Tanghalan” celebrity grand winner, anim na buwan na siyang buntis.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit mayroong pagkakataon na nahihirapan siyang kumanta.

Bumuhos naman ang pagbati kay Ethel ng kaniyang mga kaibigan sa showbiz.

Matatandaang inamin ng komedyante na masaya siya sa kanilang relasyon ng non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

TAGS: buntis, Ethel Booba, Jessie Salazar, pregnant, buntis, Ethel Booba, Jessie Salazar, pregnant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.