Plaka ng mga sasakyan matatagalan pa bago maibigay ng LTO

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2016 - 06:47 AM

LTO plate numberHindi masosolusyonan ng Land Transporation Office (LTO) ang problema sa plaka ng mga sasakyan bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay matapos hindi pagbigyan ng Commission on Audit (COA) ang apela ng LTO na humihiling na bawiin ang ipinalabas na notice of disallowance sa kontrata para sa pagsusuplay ng mga plaka.

Ayon kay LTO Chief Robert Cabrera, ang nasabing kautusan ng COA ay nagpapahinto sa kontrata ng LTO sa Dutch-Filipino consortium na PPI-JKG Philippines Inc., para sa pagsu-suplay ng mga plaka na nagkakahalaga ng P3.8 billion.

Aminado si Cabrera na hangga’t hindi binabawi ng COA ang nasabing kautusan, hindi makakakilos ang LTO para sa pagpapalabas ng mga plaka ng sasakyan.

Ayon naman kay Atty. Leo Romero, abugado ng mga petitioners na humiling sa Korte Suprema na ideklarang labag sa Saligang Batas ang pinasok na kontrata ng LTO sa PPI-JKG, hindi basta-basta babawiin ng COA ang kautusan.

Ang tanging solusyon aniya na maaring gawin ng LTO ay humanap ng ibang supplier para sa plaka ng mga sasakyan.

TAGS: new plate number, new plate number

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.