Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan

By Angellic Jordan November 16, 2019 - 03:28 PM

PHOTO CREDIT: @PAGASAFFWS/TWITTER

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, bumaba sa 188.07 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Nabawasan din ang tubig sa Ipo Dam na nasa 100.61 meters at nananatili ang water level sa La Mesa Dam sa 77.54 meters.

Maliban dito, nabawasan din tubig sa bahagi ng Ambuklao at Magat Dams.

Samantala, nadagdagan naman ang tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dams.

TAGS: Angat Dam, Ipo dam, la mesa dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, Ipo dam, la mesa dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.