Pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte para sa ‘Build, Build, Build’ program, hindi na prayoridad – Palasyo

By Angellic Jordan November 16, 2019 - 02:58 PM

Hindi na prayoridad ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa ‘Build, Build, Build’ program, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ito ay kasunod ng paghahain ni Albay Rep. Joey Salceda ng House Bill no. 5456 na layong bigyang ng emergency powers ang pangulo para mapabilis ang programa ng administrasyon.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nirerespeto nila ang Kongreso at mga taga-Albay sa nakikitang kahalagahan ng infrastructure projects.

Ngunit, maikokonsidera na aniya ito bilang “belated” o huli na dahil mayroon na lamang halos tatlong taon sa panunungkulan si Pangulong Duterte.

Ani Panelo, magpapatupad ang pangulo base sa kung ano ang nakasaad sa ilalim ng batas.

Sa nasabing programa, inaasahan aniyang nasa 38 proyekto ang makukumpleto sa 2022, 22 ang partially operational o substantial completion habang 40 naman ang matatapos nang lagpas sa taong 2022.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.