MTRCB nag-inspeksyon sa bus terminal sa Alaminos, Pangasinan
Nagsagawa ng inspeksyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa ilang bus terminal sa Alaminos, Pangasinan.
Sa Facebook page ng MTRCB, makikita ang mga larawan sa inspkesyon sa terminal ng Victory Liner, Five Star Bus at Dagupan Lines.
Layon nitong matiyak na General audience (G) hanggang Parental Guidance (PG) rated na pelikula at television programs lamang ang napapalabas sa mga bus.
Kasunod nito, nagpaalala sina MTRCB board members Bogie Reyes at Marco “Bogart the Explorer” Ho sa mga pasahero at maging sa bus operator ukol sa on-board bus entertainment systems.
Nagkabit din ang ahensya ng mga poster sa mga pader ng bus terminal.
Sinumang lumabag dito ay posibleng makulong ng tatlong buwan hanggang isang taon base sa Section 11 ng PD no. 1986 at multang P2,000 hanggang P5,000.
Maliban dito, kakanselahin din ang prangkisa ng bus batay sa memorandum circular ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.