Mga ‘landlord’ sa UK, obligado nang alamin kung ligal o ‘TNT’ang kanilang mga tenant
Simula February 1, obligado na ang mga nagpaparenta ng mga bahay at apartment sa England na alamin kung lehitimong mga immigrants o mga ‘TNT’ o ‘Tago Nang Tago’ ang kanilang mga tenant.
Ang naturang batas ay bahagi ng requirement ng naturang bansa sa ilalim ng ‘right to rent’ na ipinatutupad ngayon.
Sa ilalim ng ‘right to rent’ oobligahin na ang mga nagpaparenta na alamin ang kung kumpleto ang mga dokumento ng kanilang mga ‘tenant’ na manatili sa United Kingdom.
Sakaling mabigo ang mga ito, maari silang patawan ng hanggang 3,000 euro bilang fine at posible pang makulong.
Kinakailangan ring alamin ng mga landlord ang nationality at visa status ng nagrerenta ng kanilang mga bahay.
Sakaling lumitaw na iligal ang pananatili ng isang dayuhan sa naturang bansa habang nagrerenta ito, maaring paalisin ng landlord ang naturang immigrant o di kaya ay ireport ito sa ‘Home Office’.
Sa kasalukuyan, nasa 250,000 mga Pilipino ang nananatili sa United Kingdom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.