Bagyong #RamonPH, halos hindi pa rin kumikilos sa East Philippine Sea; Signal no. 1, nakataas pa rin sa ilang lugar

By Angellic Jordan November 16, 2019 - 11:52 AM

PAGASA photo

Halos hindi pa rin kumikilos ang Tropical Storm “Ramon” sa bahagi ng Philippine Sea sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometers North Northeast ng Virac, Catanduanes bandang 10:00 ng umaga.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
– Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)

Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay kalat-kalat na pag-ulan sa Silangang bahagi ng Cagayan, Isabela, Bicol region, Northern Samar at Romblon.

Nagbabala rin ang weather bureau na mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern Luzon at, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa mararanasang malalakas na alon.

Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management council na bantayan at maging alerto sa pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: #RamonPH, Bagyong Ramon, Pagasa, #RamonPH, Bagyong Ramon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.