LOOK: Mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong Sabado (Nov. 16)

By Angellic Jordan November 16, 2019 - 10:28 AM

Screen grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook page

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Sabado, November 16.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang apat na flight ng Cebgo dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon.

Narito ang mga kanseladong biyahe sa NAIA Terminal 4:
– DG 6111 na biyaheng Manila – Naga
– DG 6112 na biyaheng Naga – Manila
– DG 6113 na biyaheng Manila – Naga
– DG 6114 na biyaheng Naga – Manila

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

TAGS: cancelled flights, cebgo, manila, MIAA, Naga, NAIA, cancelled flights, cebgo, manila, MIAA, Naga, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.