Locsin tinawag na ‘moron’ at ‘idiot’ si CBCP President at Davao Abp. Valles

By Rhommel Balasbas November 16, 2019 - 04:07 AM

CBCP, INQUIRER photos

Binanatan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romullo Valles.

Sa isang tweet, isinalarawan ng kalihim si Valles na ‘moron in white mumu’.

Ito ay matapos hikayatin ni Valles ang mga Katoliko na ipanalangin si Vice President Leni Robredo dahil sa bagong trabaho nito bilang drug czar ng bansa.

Kwinestyon pa ni Locsin ang pagpasa ni Valles sa Theology at tinawag  itong ‘ecclesiastical idiot’

Hindi naman pinalampas ni CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang tweet ng kalihim at ipinagtanggol si Valles.

Giit ni David, ‘with flying colors’ o matagumpay na natapos ni Valles ang kanyang pag-aaral ng Teolohiya sa loob o labas man ng bansa.

Pagtataka ni David, anong mali sa panawagan ni Valles at kinailangan ni Locsin na lagyan ito ng malisya at maglabas ng ‘undiplomatic’ o taklesang mga pahayag.

Burado na sa ngayon ang tweet ng kalihim.

TAGS: ‘moron in white mumu’, asking for prayers, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romullo Valles, drug czar, drug war, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, VP Leni Robredo, ‘moron in white mumu’, asking for prayers, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romullo Valles, drug czar, drug war, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.