Ilang lugar sa eastern Syria, nasakop na ng IS
Ilang lugar na naman sa eastern Syria ang naagaw ng mga Islamic State fighters mula sa Syrian troops.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights na naka-base sa Britain, nasakop ng mga militanteng IS ang hilagang bahagi ng lungsod ng Deir el-Zour, araw ng Lunes.
Kabilang sa mga panibagong sinakop ng IS ay isang base militar at arms depot sa Ayash village na bahagi ng isa pang bayan na nasakop na rin nito lamang weekend.
Halos buong Deir el-Zour province ay kontrolado na ng IS, habang dumarami na rin ang mga bahagi ng Deir el-Zour city ang nasasakop na rin ng teroristang grupo.
Gayunman, mayroon pa ring ilang lugar na kontrolado pa rin ng pamahalaan sa hilagang bahagi ng siyudad, pati na ang military airport na malapit rito.
Ayon sa pamahalaan ng Syria, nitong weekend lamang ay isang karumal-dumal na massacre ang ginawa ng IS sa siyudad ng Deir el-Zour kung saan nasa 300 katao ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.