148 na ang naaresto na sa pagpapatuloy ng gun ban
Patuloy pa rin na nadaragdagan ang mga naaresto ng pulisya sa pagpapatuloy ng ipinatutupad na COMELEC gun ban kabilang na dito ang 2 government official.
Sa pinakahuling tala ng PNP,sa ngayon mayroon ng 148 katao na ang naaresto 141 ang sibilyan habang di naman nadagdagan ang 1 pulis na naaresto, 1 CAFGU at 2 security guards at ang nabanggit na opisyal ng gobyerno
Sa kabuuan mayroon ng nakumpiska na 98 na mga baril at 473 na iba pang mga deadly weapons
4 na gun replica na rin ang nakumpiska, 4 na granada, 1 pampasabog at 464 na piraso ng mga bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.