Bagyong #RamonPH napanatili ang lakas, halos hindi pa rin kumikilos

Napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito at halos hindi pa rin kumikilos sa karagatan sa Silangan ng Pilipinas.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 430 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Halos hindi ito kumikilos sa ngayon.

Sa Miyerkules ng gabi (Nov. 20) pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao, at Peñablanca)
– eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, at Dinapigue)
– northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, at Dinalungan).

Ngayong gabi hanggang bukas, araw ng Sabado (Nov.16), mahina hanggang katamtaman na may putol-putol na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela, Bicol Region at Samar Provinces.

Sa Linggo (Nov.17), posibleng maranasan ang mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela.

Mahina hanggang katamtaman na may putol-putol na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Apayao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela at Cagayan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga delikadong lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ngayon ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Batanes
– Calayan
– Babuyan Islands
– Aurora
– Quezon kasama ang Polillo Islands
– Camarines Provinces
– Catanduanes
– eastern coast ng Albay
– eastern coast ng Sorsogon

Read more...