Libreng transportasyon para sa relief goods isinusulong ni Sen. Lito Lapid
Para maging mabilis ang pagpapadala ng tulong sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad, nais ni Senator Manuel Lapid na malibre freight services ng mga relief goods at donasyon.
Sa inihain niyang Senate Bill No. 1151 o ang Free Relief Goods Transportation Act, nais ni Lapid na magkaroon ng sistema para sa mas mapabilis at maasahan pagpapadala ng tulong at saklolo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Pinuna ng senador na may mga butas sa paraan ng pagtugon ng gobyerno kasama na ang hirap na pagbibigay ayuda sa mga nasalantang lugar.
Ipinunto pa ng senador ang napakaraming isla sa bansa na nakakadagdag sa pahirap at napapagastusan ng malaki sa halaga dahil sa sistema ng transportasyon.
Kadalasan din aniya kung sino ang nagbigay tulong, problema na rin nila ang pagpapadala at gumagastos.
Sa kanyang panukala, magiging mandato ng mga freight at logistic carriers and forwarders na ilibre ang pagpapadala ng mga relief goods na mula sa Office of Civil Defense at ipapadaan sa Philippine Postal Corp.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.