Sa inilabas na Administrative Order No. 472 ni Sec. Silvestre Bello III, inatasan nito ang 404 Labor and Employment Officers na magsagawa ng verification inspection hanggang sa ikalawang linggo ng susunod na buwan.
Awtorisado sila na magsawa ng inspeksyon sa mga establisyimento para maberipika kung legal o ilegal ang pagtatrabaho sa bansa ng mga banyagang kawani.
Paliwanag ni Bello, aalamin ng mga inspector kung lehitimo ang negosyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng business permits at kung rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Aalamin din nila ang listahan ng mga empleado at sa mga kaso ng banyagang trabahador ay hihingian sila ng kanilang Alien Employment Permit.