Babae timbog sa isang sako ng shabu sa Quezon City

By Jan Escosio November 15, 2019 - 07:48 PM

Inaresto ng mga ahente ng PDEA ang isang 23-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa isang mall sa Quezon City.

Sinabi ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, nakumpiska kay Roselle Bolivar ang isang sako na naglalaman ng limang plastic bags na may tinatayang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Isinagawa ang operasyon sa isang mall sa Novaliches at nakuha din sa pag iingat ng hinihinalang drug pusher ang isang cellphone at ang buy bust money.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Bolivar.

TAGS: buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drugs, isang sako ng shabu, PDEA, QC, buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drugs, isang sako ng shabu, PDEA, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.