Magnitude 4.0 na lindol naitala sa Makilala, Cotabato

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers Southeast ng bayan ng Makilala, alas-4:34 hapon ng Biyernes (November 15).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 5 sa Kidapawan City.

Naitala rin ang instrumental 4 sa Kidapawan City at intensity 1 sa Alabel, Sarangani at Koronadal City.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...