Planong pag-import ng bigas ng DTI inalmahan ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio November 15, 2019 - 03:50 PM

Pinalagan ni Senator Imee Marcos ang plano ng Philippine International Trading Corp. o PITC na mag-angkat ng bigas para sa mga fast food at grocery stores at maliliit na supermarkets.

Dismayado si Marcos dahil aniya mas ginawa pang prayoridad ng ahensya na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) ang imported rice kaysa sa mga bigas na mula sa pawis at dugo ng mga lokal na magsasaka.

Aniya tila walang pakialam si Trade Sec. Ramon Lopez sa kanilang plano dahil hilahod na ang mga magsasakang Filipino dahil sa bagsak presyo ng kanilang mga palay bunga naman ng pagbaha ng imported na bigas sa bansa.

Pagdidiin ni Marcos tila kawalan ng konsensya sa bahagi ng DTI dahil mas lalong malulugmok ang mga lokal na magsasaka.

Kaya’t hinihimok nito ang kagawaran na kalimutan na ang balakin na pag-importa ng bigas.

Anunsyo ni Lopez sa isang pagtitipon ang balakin na pag-angkat ng bigas at aniya sa mga susunod na linggo ay maaaring mailpadala sa bansa ang libo-libong tonelada ng bigas.

TAGS: Bigas, local na magsasaka, Philippine International Trading Corp. o PITC, rice importation, Senator Imee Marcos, Bigas, local na magsasaka, Philippine International Trading Corp. o PITC, rice importation, Senator Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.