Makilala, Cotabato niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers Southeast ng bayan ng Makilala, alas-2:27 hapon ng Biyernes (November 15).

May lalim ang pagyanig na 1 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...