NCRPO isasailalim sa full alert status sa kasagsagan ng SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2019 - 02:07 PM

Isasailalim sa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula Nov. 25 hanggang Dec. 14 para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Acting NCRPO chief Police Brig. Gen. Debold Sinas, 8,000 pulis ang ipakakalat para tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalaro sa mga lugar na pagdarausan ng games.

Pormal na magbubukas ang SEA Games sa Nov. 30, at ang mga lugar ng laro ay sa Metro Manila, Clark, Subic at iba pa.

Ayon kay Sinas, ang mga tauhan ng NCRPO ang mapapatupad ng seguridad sa 27 billet areas at 19 na venues ng iba’t ibang sporting events.

Simula Nov. 22 magsisimula nang magpakalat ng tauhan ang NCRPO.

Sa ngayon ayon kay Sinas, wala namang banta sa seguridad hinggil sa magaganap na SEA Games.

TAGS: full alert status, Inquirer News, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, South East Asian games, Tagalog breaking news, tagalog news website, full alert status, Inquirer News, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, South East Asian games, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.