Dalawang hinihinalang miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

Nasawi ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang apat naman ang sugatan nang maka-engkwentro nila ang mga sundalos a Rizal, Nueva Ecija.

Pawang tauhan ng 48 th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nakasagupa ng mga rebelde.

Nakuha sa kanila ang dalawang M-16 rifles, tatlong .45 caliber pistols, war materials at mga dokumento.

Isa namang miyembro ng NPA ang naaresto at ngayon ay nasa kostodiya na ng pulisya.

Dinala naman sa pagamutan sa Cabanatuan City ang mga nasugatan.

Read more...