Kaanak ng mga biktima sa Maguindanao massacre tiwalang makakamit ang hustisya

By Ricky Brozas November 15, 2019 - 12:14 PM

Tiwala si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu na makakamit nila ang hustisya sa inaantabayanang pagbaba ng desisyon sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Ayon kay Mangudadatu, inirerespeto nila ang isang buwang extension na hiningi ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis Reyes.

Batid naman daw niya na makapal ang record ng kaso na kailangang aralin.

Pero inaasahan daw nila na tuloy na ang promulgation bago sumapit ang December 20.

Naniniwala rin si Mangudadatu na sa dami ng kanilang mga ebidensya at iprinisintang testigo, magiging paborable sa mga biktima ang desisyon.

Pero sakali raw na hindi mauwi sa conviction ang desisyon, magbibitiw daw siya bilang mambabatas.

Sa November 23 na ika-sampung anibersaryo ng Maguindanao Massacre, magtutungo raw uli si Mangudadatu sa pinangyarihan ng masaker para magdasal at patuloy na manawagan ng hustisya.

Bagamat naka-move on na raw siya at nakapagpatawad na, umaasa pa rin ang dating gobernador na mabibigyan sila ng hustisya.

Hindi na rin daw dapat pang maulit ang insidente na itinuturing na isa sa pinakamadugong insidente ng political violence sa bansa.

Matatandaan na 58, kabilang ang higit 30 mamamahayag, ang napatay sa karumal-dumal na krimen na nangyari noong November 23, 2009.

Nasa halos 200 naman ang mga akusado kabilang na ang ilan sa mga myembro ng pamilya Ampatuan.

TAGS: Inquirer News, maguindanao massacre, Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, maguindanao massacre, Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.