PNoy, may ‘direktang kinalaman’ sa Mamasapano incident-Enrile

By Jay Dones January 19, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

May direktang kinalaman si Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 na PNP-Special Action Force .

Ayon kay Senador Juan Ponce Enrile, mayroon siyang sapat na ebidensyang makapagpapatunay na walang ginawa si Pangulong Aquino upang mapigilan sana ang madugong katapusan ng Mamasapano operation noong nakaraang taon.

Sa pagharap ni Enrile sa open plenary session, isiniwalat nito na simula’t simula pa ay batid na ng pangulo ang magaganap na operasyon upang tugisin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na tinawag na Oplan Exodus.

Ito aniya ang dahilan kaya’t nagtungo sa Zamboanga City ang pangulo habang minomonitor ang mga pangyayari sa Maguindanao.

Ang mga detalye aniya at ebidensya na makapagtuturo sa ‘direct involvement’ ng pangulo at ang pagkabigo nitong tulungan ang napapalaban na SAF Commandos ay handa niyang isiwalat sa magaganap na reinvestigation sa January 27.

Naniniwala rin ang senador na ilan sa mga miyembro ng gabinete na humarap sa naunang senate hearing ay hindi nagsabi ng totoo kaugnay sa kanilang nalalaman ukol sa operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.