Hiling na paglaya ng mga matatanda at may sakit na bilanggo sa Bilibid inaksiyunan na ng DOJ

Tumugon ang Department of Justice (DOJ) sa panawagan ng mga nakatatandaang bilanggo sa New Bilibid Prison o NBP na makalaya na sila dahil sa kanilang kondisyon at mga karamdaman.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ipinoproseso na ng DOJ ang paglaya sa Bilibid ng mga person deprived of liberty o PDL na matatanda na at maysakit.

Sabi ng kalihim, ang executive clemency mula sa presidente ang pinakamabilis na paraan para makalaya ang mga matatandang PDL.

Una nang nakiusap kay Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag ang mga PDL na senior citizen na nasa Minimum Security Compound na sila ay makalaya na.

Kabilang sa pinaka-matandang PDL sa Bilibid ay may edad 80-anyos, at ang ibang preso ay hindi na makalakad o may malubhang karamdaman.

Read more...