Mas malaking venue para sa promulgation sa kaso ng Maguindanao Massacre inihahanda na
Isang linggo bago ang anibersaryo ng Maguindanao Massacre umaasa si Undersecretary Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security na mabibigyan na ng katarungan ang sinapit ng mga biktima.
Ani Egco, inabot na ng halos isang dekada ang paglilitis sa kaso kaya umaasa siyang makakamit na ng pamilya ng mga biktima ang ang hustisya.
Nakatakda nang desisyonan ng korte ang naturang kaso ayon kay Egco.
Katunayan naghahanap na aniya ang malaki-laking lugar para pagdausan ng promulgation.
Inaasahan kasi ang malaking bilang ng mga dadalo sa promulgation dahil sa dami ng mga biiktima sa massacre.
Magugunitang aabot sa 58 ang nasawi sa insidente at mahigit 30 dito ay pawang mamamahayag.
Dapat ay sa ikatlong linggo ng Nobyembre ilalabas ang desisyon sa kaso.
Gayunman humirit ng isang buwan pang palugit sa Korte Suprema si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City RTC para desisyunan ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.