Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 553 pasahero ang kanilang naitalang stranded alas 4:00 ng umaga ng Biyernes (Nov. 15).
Sinuspinde na din ng coast guard ang operasyon ng 107 rolling cargoes, 8 vessels at 2 motorbancas para na din sa kaligtasan ng mga pasahero.
May iba pang 8 vessel at 5 motorbancas ang pansamantalang nakidaong sa pantalan ng mga nabanggit na probinsiya dahil na din sa masamang panahon.
Sinabi naman ni Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo na tinitiyak ng lahat ng unit ng PCG ang mahigpit na pagpapatupad ng guidelines na itinatakda sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon o may bagyo para sa kaligtasan ng buhay at mga ari-arian.