Ilang pasahero ang nanatiling stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil na din sa bagyong Ramon

By Jan Escosio November 15, 2019 - 10:59 AM

Ilang pasahero ang nanatiling stranded pa rin sa mga pantalan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes dahil sa bagyong Ramon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 553 pasahero ang kanilang naitalang stranded alas 4:00 ng umaga ng Biyernes (Nov. 15).

Sinuspinde na din ng coast guard ang operasyon ng 107 rolling cargoes, 8 vessels at 2 motorbancas para na din sa kaligtasan ng mga pasahero.

May iba pang 8 vessel at 5 motorbancas ang pansamantalang nakidaong sa pantalan ng mga nabanggit na probinsiya dahil na din sa masamang panahon.

Sinabi naman ni Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo na tinitiyak ng lahat ng unit ng PCG ang mahigpit na pagpapatupad ng guidelines na itinatakda sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon o may bagyo para sa kaligtasan ng buhay at mga ari-arian.

TAGS: #RamonPH, Albay, camarines sur, catanduanes, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website, #RamonPH, Albay, camarines sur, catanduanes, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.