100 bahay natupok sa sunog sa isang residential area sa Mandaue City

Aabot sa may 100 bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Casuntingan, Mandaue City.

Naitala ng Mandaue City Bureau of Fire Protection ang sunog alas 2:02 Huwebes (Nov. 14) ng hapon at naideklarang fire under control dakong alas-3:17 ng hapon.

Nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa bahay ng isang Lene Caripes.

Tinatayang nasa P460,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian sa naturang sunog.

Read more...