outbrain

Ethel Booba aminadong edited ang kaniyang mga tweet

By Jimmy Tamayo November 15, 2019 - 10:27 AM SHARE(S):

Handa nang mag-asawa ang comedianne singer na si Ethel Booba.

Ayon kay Ethel natagpuan na niya ang tamang lalaki sa katauhan ng boyfriend na si Jessie Salazar.

Aminado si Ethel na masaya siya ngayon sa kanyang relasyon sa boyfriend na chef sa isang restaurant sa Boracay Island kung saan sila nagkakilala noong 2017.

Plano ng singer na magpakasal sa susunod na taon.

Samantala, kinumpirma ni Ethel na edited ang mga post sa kanyang Twitter account.

Reaksyon niya ito sa komento ng isang netizen na nagsabing tila magkaiba ang personalidad niya sa live interview kumpara sa kanyang mga tweets.

Ipinaliwanag ni Ethel na mayroon siyang social media consultant para masiguro na maayos ang kanyang sinasabi sa social media.

Aniya, “Sa panahon ngayon di na basta basta pwede magbitaw ng salita sa social media dahil matatalino ang mga tao dito, ako lang ang di pa sure. Charot!”

Kamakailan ay tinanghal si Ethel bilang kauna-unahang Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition grand champion sa noontime show na It’s Showtime.

TAGS: Ethel Booba, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, social media, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twitter, Ethel Booba, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, social media, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.