(UPDATE) Hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong malversation of public funds at graft si dating Isabela Governor Grace Padaca.
Ito ay kaugnay sa pagpasok noon ni Padaca sa P25 million na halaga ng rice program ng Isabela sa isang pribadong kumpanya.
Dumalo sa promulgation ng kaniyang kaso si Padaca sa Sandiganbayan.
Hanggang 14 na taon na pagkakakulong ang hatol ng korte kaky Padaca para sa kasong graft at hanggang 10 taon para sa malversation.
Pero pinayagan si Padaca na doblehin ang bail bond na P70,000 para sa kaniyang provisional liberty habang iniaapela ang kaso.
Ayon kay Padaca, wala siyang ninakaw na kahit magkano sa pondo ng gobyerno, dahil ang naturang programa ay napunta lahat sa mga magsasaka.
Ang kontrata para sa nasabing halaga ng rice program ay ibinigay ng Isabela government noong panahon ni Padaca nilang gobernador sa Economic Development for Western Isabela at Northern Luzon Foundation, Inc. (EDWINLFI).