WATCH: DOH pinawi ang pangamba ng publiko sa pneumonic plague sa China
Pinakakalma ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa napaulat na “black plague o pneumonic plague” sa China.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, hindi dapat ikabahala ang sakit dahil wala pang patunay na ito ay kumalat na.
Dagdag nito, wala pang ulat na may namatay na dahil sa sakit na nagmumula sa daga at baga ng tao ang tinatamaan.
Pagtitiyak pa ng kalihim may sapat silang suplay ng mga bakuna at antibiotics para sa ibat ibang uri ng sakit.
Katuwiran pa ni Duque, lumalala o kumakalat naman ang sakit kung walang bakuna o napapabayaan ang kalusugan.
Ani Duque, mayroon naman nang antibiotics na pwedeng i-take para ito ay magamot basta’t made-detect lamang ng maaga.
Ngunit pag-amin ni Duque ito naman ay dala na rin ng kahirapan o hindi agad nalalapatan ng lunas ang sakit.
Sa China, dalawang kaso ng pneumonic plague ang naitala na.
Ang karaniwang sintomas naman nito ay lagnat, pananakit ng katawan, pagkahilo at pagsusuka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.