Press Tour ng J-pop group na Arashi sa apat na lugar sa Asya natapos na

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2019 - 07:13 AM SHARE(S):

Naging matagumpay ang press tour ng J-pop group na Arashi na tumagal ng dalawang araw (Nov. 10 at 11) at may titulong “JET STORM”.

Umalis sa sa Haneda Airport late evening Nov. 9 ng gabi at binisita ang Jakarta, Singapore, Bangkok, at Taipei.

Highlight ng press tour ang promosyon ng kanilang official social media accounts (Instagram, Twitter, Facebook, TikTok, at Weibo) at ang worldwide digital release ng kanilang bagong single na “Turning Up”.

Gayundin ang promosyon ng kanilang nalalapit na concert.

Pinasalamatan ng grupo ang kanilang mga fans sa Asya sa pagsuporta sa kanila mula nang ilunsad ang grupo noong 1999.

Taong 2006 nang huling magsagawa ng “JET STORM” ang grupo.

Libu-libong tagahanga ng grupo ang sumalubong sa kanila sa Jakarta, Singapore, Bangkok at Taipei.

Bago ang tour, nag-practice pa silang magsalita ng (Bahasa Indonesia, English, Thai, at Chinese.

TAGS: Arashi, Bangkok, City Tour, Inquirer News, J-pop, Jakarta, Jet Storm, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taipei, Arashi, Bangkok, City Tour, Inquirer News, J-pop, Jakarta, Jet Storm, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taipei

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.