El Niño phenomenon, mas maagang matatapos ayon sa mga climate experts
Dahil sa pag-hina ng El Niño phenomenon at ng bitbit nitong mainit na panahon, inaasahang mapapa-aga ang pagtatapos nito.
Sa pinakahuling buwanang update ng US National and Atmospheric Administration (NOAA), bahagyang bumaba lahat ng El Niño indicators kung ikukumpara noong Disyembre kung kailan ito naging malakas.
Bahagya na ring bumaba ang temperatura sa gitna at silangang bahagi ng Pacific Ocean, bagaman nananatiling mataas sa historical averages.
Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang hindi normal na pa-kanlurang direksyon na ihip ng hangin sa mga tropical regions ng Pacific.
Paliwanag ng NOAA, ang ganitong abnormalidad sa atmosphere at sa karagatan ay sumasalamin sa pagpapatuloy ng malakas na El Niño.
Pero karamihan sa ma prediction models ay nagpapahiwatig na hihina na ang El Niño at magiging neutral na lamang ang klima na ang ibig sabihin ay walang El Niño o La Niña pagdating ng late spring o early summer sa northern hemisphere.
Dahil dito, sa halip na sa third quarter ng 2016, inaasahang matatapos na ang El Niño pagdating pa lamang sa gitnang bahagi ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.