Bagyong #RamonPH lumakas pa, kumikilos na pa-Hilaga

By Rhommel Balasbas November 15, 2019 - 05:13 AM

Lumakas pa ang Tropical Storm Ramon ngunit nagbago ang tinatahak na direksyon.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 455 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.

Sa ngayon ay kumikilos na ito pa-Hilaga sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Bagama’t umangat, inaasahan pa ring tatama ang bagyo sa Cagayan-Isabela area sa Linggo.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no.1 sa Southeastern portion ng Cagayan (partikular sa Peñablanca at Baggao), eastern portion ng Isabela (partikular sa Divilacan, Palanan, Dinapigue at Maconacon), Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan) at sa Polillo Islands.

Ngayong araw, inaasahan ang mahina hanggang katamtaman na may putol-putol na malalakas na pag-ulan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela, Bicol Region, Romblon, Panay Island at Cuyo Islands.

Bukas, Sabado (Nov.16) mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela.

Mahina hanggang katamtaman na may posibilidad din ng hindi tuloy-tuloy na malalaks na pa-uulan ang mararanasa sa Apayao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan at Isabela.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Aurora
– Quezon kasama ang Polillo Island
– Camarines Provinces
– Catanduanes
– Eastern coast ng Albay
– Eastern coast ng Sorsogon

TAGS: 5am severe weather bulletin, Bagyong Ramon, Cyclone, Tropical Storm #RamonPH, Typhoon, weather update, 5am severe weather bulletin, Bagyong Ramon, Cyclone, Tropical Storm #RamonPH, Typhoon, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.