Robredo: China major supplier ng droga sa bansa, PDEA hindi sang-ayon

By Rhommel Balasbas November 15, 2019 - 04:55 AM

Lumalabas na China ang major supplier ng droga sa bansa ayon kay Vice President Leni Robredo.

Sa panayam ng media araw ng Huwebes, sinabi ng bise presidente na batay sa mga ulat, ang mga drogang pumapasok sa bansa ay mula sa China ngunit kailangan pa ng mas maraming datos.

“I want to gather more data, because the reports that we have, most of the supply that enters the country comes from China,” ani Robredo.

Dapat din anyang tingnan ng gobyerno ang pagkakasangkot ng maraming Chinese nationals o Filipino-Chinese nationals sa kalakalan ng droga.

“Even those being caught operating within the Philippines, most of them are Chinese nationals or Filipino-Chinese nationals. So it is something that we should look into,” dagdag ni Robredo.

Pinag-iisipan ngayon ni Robredo na makausap ang Chinese government para masawata ang drug trade.

Matapos naman ang pahayag ni Robredo, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino na ang Golden triangle drug syndicate ang major source ng droga sa bansa.

Ang naturang sindikato ay may operasyon sa Myanmar, Laos at Cambodia.

Giit ni Aquino, noong 2017 at pababa, karamihan talaga ng droga ay mula sa China ngunit simula 2018, ang Golden Triangle na ang pinakamalaking distributor ng droga sa Southeast Asia na umaabot pa ng Australia, US at Europe.

“Noong 2017 pababa, karamihan ng drugs nanggagaling sa China then nagkaroon ng geographical shift. By 2018, nagkaroon ng Golden Triangle drug syndicate sa border ng Laos, Myanmar at Cambodia. Sila na ang biggest distributor ng drugs sa Southeast Asia, umaabot sa Australia, US, Europe,” ani Aquino.

Ayon pa kay Aquino, modus din ng grupo na ibalot sa Chinese tea bags ang mga droga para magmukhang galing sa China.

Napilitan din anya ang mga sindikato na mag-outsource ng produksyon sa Golden Triangle dahil sa mas istriktong batas laban sa droga sa China.

“Instead na sila ang mag-manufacture, nag-outsource na sila sa Golden Triangle region, at sila ngayon ang mag-smuggle sa ibang bansa, kunwari sa Pilipinas. Kaya kita mo, out of more than 1,000 arrested foreign nationals, 592 ay Chinese nationals,” paliwanag ni Aquino.

TAGS: China major source of drugs, Golden Triangle Syndicate, illegal drug trade, inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD), PDEA director general Aaron Aquino, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Vice President Leni Robredo, War on drugs, China major source of drugs, Golden Triangle Syndicate, illegal drug trade, inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD), PDEA director general Aaron Aquino, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Vice President Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.