Pulis na inaakusahang pumatay sa Dumaguete radio broadcaster sumuko na

By Rhommel Balasbas November 15, 2019 - 04:36 AM

Sumuko na sa mga awtoridad ang pulis na sinasabing triggerman sa pagpaslang sa radio broadcaster sa Dumaguete na si Dindo Generoso.

Kahapon, araw ng Huwebes (Nov. 14), lumapit sa kanyang commanding officer si Pol. Cpl. Roger Rubio at kalauna’y nagpakita sa Negros Oriental Provincial Police.

Sumuko umano si Rubio para sa kanyang kaligtasan.

Pero mariin nitong itinatanggi ang mga akusasyong may kinalaman siya sa pagpatay kay Generoso.

Nasa Guihulngan anya siya nang maganap ang krimen.

Matatandaang binaril so Generoso sa Dumaguete City noong November 7 habang papasok ito sa kanyang trabaho.

Apat ang sinasabing suspek sa pagpatay kabilang si Rubio.

Naaresto na si Pol. Cpl. Glenn Corsame at ang driver na si Teddy Reyes Salaw habang pinaghahanap pa ang businessman na si Tomasino Aledro.

TAGS: dindo generoso, Dumaguete radio broadcaster, Media killings, Negros Oriental Provincial Police, Pol. Cpl. Roger Rubio, Shooting Incident, dindo generoso, Dumaguete radio broadcaster, Media killings, Negros Oriental Provincial Police, Pol. Cpl. Roger Rubio, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.