20 babae nailigtas sa magkahiwalay na raid sa 2 spa sa QC at Las Piñas

By Len Montaño November 15, 2019 - 04:33 AM

File photo

Nasagip ang dalawampung babae sa magkahiwalay na pagsalakay sa dalawang spa sa Las Piñas at Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Ito ay kasunod ng sumbong sa otoridad na nagkakaroon ng extra service sa dalawang spa.

Labing-apat na babae ang nailigtas sa raid sa spa sa Bagong Bayan, Quezon City.

Anim na babae naman ang nasagip sa hiwalay na pagsalakay sa spa sa Barangay Talon Dos sa Las Piñas.

Isa naman ang inaresto at iniimbestigahan sa papel nito sa operasyon ng spa.

Samatalang ang nailigtas na mga babae ay dinala sa women’s divison ng PNP sa Camp Crame.

 

 

TAGS: 20 babae, extra service, las pinas, nailigtas, quezon city, Raid, spa, 20 babae, extra service, las pinas, nailigtas, quezon city, Raid, spa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.