1 patay, 3 sugatan sa pamamaril ng estudyante sa eskwelahan sa California

By Len Montaño November 15, 2019 - 04:00 AM

AP photo

Arestado ang isang high school student matapos itong mamaril sa isang eskwelahan sa California na ikinamatay ng isang katao at ikinasugat ng ilan pa.

Nasawi ang isang babae habang dalawang lalaki ang kritikal ang kundisyon at isa pa ang nasugatan sa pamamaril.

Sugatan din ang namaril na estudyante at dinala ito sa isang ospital.

Ang suspect ay isinalarawan ng mga pulis na Asian male at estudyante sa Saugus High School sa Santa Clarita.

Narekober sa lugar ang baril na ginamit ng suspect.

Ang nangyaring pamamaril ay sa kasunod ng ilang insidente ng mass shootings sa US sa nakalipas na mga taon na nagpa-igting sa debate ukol sa gun control bilang proteksyon.

Pero iginiit ng mga tutol ang karapatan, sa ilalim ng konstitusyon, na magkaroon ng armas.

 

TAGS: California, estudyante, gun control, mass shooting, US, California, estudyante, gun control, mass shooting, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.