Lumang PNB building sa Escolta, dapat na talagang gibain – Estrada

 

Inquirer file photo

Para sa kaligtasan ng mga taong dumadaan malapit sa gusali, nanindigan si Manila Mayor Joseph Estrada na dapat na talagang gibain ang 50-anyos na Philippine National Bank (PNB) building sa Escolta Street.

Magugunitang nasunog isang taon na ang nakalilipas ang nasabing gusali na ginawa pa ng kilalang arkitekto na si Carlos Arguelles noon pang 1960s.

Depensa ni Estrada, humantong na siya sa ganitong desisyon dahil malabo nang ma-restore ang gusali dahil sa pagka-sunog nito.

Delikado na rin aniya ito sa mga dumadaang tao sa paligid dahil marupok na ang gusali.

Ayon kay Estrada, unang napag-isipang gibain ang gusali noon pang 2010 sa panunungkulan ni dating Mayor Alfredo Lim dahil sinabi ng isang developer na si Romy Lorenzo ng Geltd Developers and Managers Group Inc. na maaring gumuho ang 12-palapag na gusali sakaling yanigin ng lindol ang lungsod.

Paliwanag naman ni Robert Bernardo na hepe ng city engineering office na hindi naman pumasok sa isip ng sinumang opisyal ng Maynila na gibain ang gusali hanggang sa nasunog nga ito noong nakaraang taon.

Simula aniya noon, lalong humina ang pundasyon ng mataas na gusali kaya wala na silang iba pang pagpi-pilian pa kundi ituloy na ang pagpapa-giba dito.

 

Read more...