DENR: Rehabilitasyon ng Boracay nasa 80 porsyento na
Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na malapit nang matapos ang rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Sa budget deliberation sa Senado araw ng Huwebes, sinabi ng DENR na nasa 80 porsyento na ang rehabilitasyon ng isla.
Kumpyansa ang DENR na maaabot ang target na pagtatapos ng pag-aayos ng isla sa taong 2020.
Ayon sa ahensya, sa Sabado ay matatapos na ang demolisyon ng 10 istablisyimento na lumabag sa 30-meter exclusive zone mula sa dalampasigan.
Sinabi ng sponsor ng panukalang budget ng DENR sa 2020 na si Senator Cynthia Villar na road networks na lamang ang natitirang gawain.
Sinimulan ang demolisyon sa mga lumabag na istablisyimento nang mag-expire ang temporary restraining order (TRO) laban sa naturang hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.